Habang wala pang kasiguraduhan ang petsa sa pagbabalik ng 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup, bakasyon muna rin ang Barangay Ginebra San Miguel star na si Earl Scottie Thompson kasama ang kanyang misis.

Ibinahagi ng Gin Kings combo guard sa kanyang instagram account Miyerkoles ang larawan ng esmi niyang si Jinky. Makikita na nasa tabing dagat ito, sinamahan rin niya ang kanyang post ng mga matatamis nilang kuha ng kabiyak.

“Quality time with my beautiful wife,” sambit ng 28-anyos, may taas na 6-1 na basketbolista.

Panay-panay ngayon ang pagbabahagi ni Thompson ng mga matatamis na larawan nilang mag-asawa sa IG habang tengga sa askiyon.

The post Thompson ubos oras kay misis first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/thompson-ubos-oras-kay-misis/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=thompson-ubos-oras-kay-misis)