Kasama sa mga paborito ng mga sumubaybay sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 ay ang tambalan nina KD Estrada at Alexa Ilacad.

Kaya nga kinilig ang kanilang mga tagasuporta matapos na mag-post si Alexa ng larawan nilang dalawa.

Sa Instagram post, makikita na nakayakap sa likod ni Alexa si KD habang malaki ang ngiti ng dalawa.

“Ngiti,” maiksing caption ng aktres.


Narito ang ilang comment ng mga fan:

“KDLEX ENDGAME!!!!!” comment ng fan page nila na si @kdlexcloud9.

“Wag kna kay E. Na kay KD na ang lahat,” sabi naman ni @ur_ezylitah.

“The chemistry is undeniable,” saad naman ni @ahparanghindi.

Matatandaang habang nasa loob ng Bahay ni Kuya ang dalawa, nagkaroon sila ng ilang sweet moments na siyang dahilan kung bakit may mga tagahanga sila. Ngunit, mas naging malapit si Alexa sa isa pang housemate na si Eian Rances. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Todo ngiti! KD grabe yakap kay Alexa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/todo-ngiti-kd-grabe-yakap-kay-alexa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=todo-ngiti-kd-grabe-yakap-kay-alexa)