Humingi ng tawad ang NBA player na si Tristan Thompson sa dating kasintahan na si Khloe Kardashian matapos mapatunayan sa isang paternity test na siya ang ama ng sanggol ng isang fitness model.

Ayon sa mga ulat, noong summer sa US ay naghiwalay na sina Thompson at Kardashian.

Gayunman, may iniwang anak ang basketbolista kay Kardashian, ang tatlong taong gulang na si True.

Humingi ng tawad si Thompson matapos mabuking ng paternity test na siya ang ama ng sanggol ng fitness model na si Maralee Nichols.

“I take full responsibility for my actions,” saad ni Thompson sa kanyang Instagram post. “Now that paternity has been established, I look forward to amicably raising our son. I sincerely apologize to everyone I’ve hurt or disappointed throughout this ordeal both publicly and privately.”

“Khlo√©, you don’t deserve this,” dagdag pa ng basketbolista. “You don’t deserve the heartache and humiliation I have caused you. You don’t deserve the way I have treated you over the years. My actions certainly have not lined up with the way I view you.”

“I have the utmost respect and love for you. Regardless of what you may think. Again, I am so incredibly sorry.”

Bago pa man niya makarelasyon si Kardashian, may anak na si Thompson sa dati niyang kasintahan na si Jordan Craig, na limang taong gulang na ngayon.

Si Thompson ay naglalaro na ngayon para sa Sacramento Kings, ngunit sumikat bilang kakampi ni LeBron James sa Cleveland Cavaliers.

The post Tristan Thompson 3 na panganay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tristan-thompson-3-na-panganay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tristan-thompson-3-na-panganay)