Naantig ang mga netizen sa kwento ng bata na sa presinto ng Sta. Elena, Camarines Norte nagdiwang ng kanyang ika-5 kaarawan.

Ayon sa post ng Sta. Elena Municipal Police, noong Enero 15 ay pinayagan nila na madalaw ng batang babae sa araw ng kanyang kaarawan ang kanyang ama na nakakulong.

Bukod sa pinayagan nila ang bata na madalaw ang ama, nag-ambagan din ang mga pulis para sa simpleng handaan na mayroon pang tarpaulin at mga lobo.

Naghanda rin ang mga pulis gaya ng iba’t-ibang pagkain gaya ng spaghetti, pansit, baked macaroni, lumpia at pritong manok.

At syempre, hindi rin nawala ang pagkanta nila sa bata ng ‘happy birthday song’ maging ang pag-ihip nito sa kandila ng kanyang cake.

Nag-viral ang kwento ng mag-ama sa social media. (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Tsikiting sa presinto nagdiwang ng kaarawan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tsikiting-sa-presinto-nagdiwang-ng-kaarawan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tsikiting-sa-presinto-nagdiwang-ng-kaarawan)