Makakatanggap ng tulong pinanansiyal mula sa gobyerno ang mga magsasakang maliit lamang ang mga lupang sinasaka.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act no. 11598 o ang Cash Assistance for Filipino Farmers na nagbibigay ng cash incentives sa mga magsasakang ang sinasaka ay dalawang ektarya pababa.

Huhugutin ang pondo mula sa Rice Competetiveness Enhancement Fund (RECF) sa ilalim ng Rice Tarrification law na pinondohan ng P10 bilyon.

Kinikilala ng gobyerno ang pangangailangan ng mabilis na pag-alalay sa mga magsasaka dahil na rin sa mababang presyo ng palay pati na ang epekto ng COVID-19 pandemic kaya magbibigay ng tulong pinansiyal sa mga matinding naapektuhang magsasaka.

Sa ilalim ng batas, inaatasan ang Department of Agriculture na mangasiwa sa pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka.

May bisa ang bagong batas hanggang 2024.(Aileen Taliping)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Tulong pinansyal para sa maliit na magsasaka batas na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tulong-pinansyal-para-sa-maliit-na-magsasaka-batas-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tulong-pinansyal-para-sa-maliit-na-magsasaka-batas-na)