Pakiramdam ni Vice Ganda, sakaling gustuhin niyang maging politiko ay malaki ang tsansa niyang manalo sa eleksyon.

Sa vlog ni Dr. Vicki Belo, naitanong sa komedyante ni Derek Ramsay kung pumasok ba sa isip nito ang pagiging public servant.

Sey ni Vice, bagamat wala pa siyang balak, ayaw naman daw niyang magsalita ng tapos.

“May nag-offer sa akin mataas na position. Naloka ako! Hindi ako magaling dun,” lahad ni Vice.

“Feeling ko puwede akong manalo dahil marami akong followers, maraming fans, maraming boboto sa akin,” aniya pa.

Ngunit tingin ni Vice, hindi naman daw siya magaling sa usapang politika at baka ipahamak lang niya ang Pilipinas kung sakaling maging government official siya.

The post Vice Ganda sa pagpasok sa politika: Maraming boboto sa akin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vice-ganda-sa-pagpasok-sa-politika-maraming-boboto-sa-akin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vice-ganda-sa-pagpasok-sa-politika-maraming-boboto-sa-akin)