Bonggang party ang inihandog ni Dra. Vicki Belo para sa 18th birthday ni Francine Diaz nitong Enero 27.

Marami ang napa-“sana all” matapos ipasilip ng anak ni Belo na si Scarlet ang birthday celebration ni Francine.

Sa Instagram, ibinahagi ni Scarlet ang larawan kasama ang birthday girl pati ang mala-Disney film na background.

“We turned our house into Casita Belo (like the one in the movie Encanto) for ate’s birthday. Watch out for Mommy’s YouTube vlog!” caption ni Scarlet sa IG.


Samantala, nag-upload din ang aktres sa IG ng ilang mga kuhang larawan mula sa kaniyang debut pictorial.

Si Francine ay bahagi ng Gold Squad ng ABS-CBN kasama sina Kyle Echarri, Andrea Brillantes, at Seth Fedelin.

(Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Vicki Belo may bonggang pa-birthday party kay Francine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vicki-belo-may-bonggang-pa-birthday-party-kay-francine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vicki-belo-may-bonggang-pa-birthday-party-kay-francine)