Itutuloy na raw umano ni Mariel Rodriguez-Padilla ang pagiging single mom.

Wala kasi si Robin Padilla sa piling ng kaniyang pamilya sa nagdaang Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.

Kwento ni Mariel sa kaniyang YouTube video habang naghahanda ng pagkain, hindi umano nila kasama ang asawa para salubungin ang Bagong Taon.

Aniya, namahagi ng tulong si Robin sa mga sinanlanta ng bagyong Odette.

“Hindi ko masabing sad. So, as you guy know, that we weren’t able to spend Christmas together. Umuwi siya (si Robin) ng 29, umalis din siya ng 30,” ani Mariel.

“Kasi feeling niya ‘yung mga needs ng mga people na hindi puwedeng sabihin na ‘holiday kasi ngayon, palipasin ko muna ‘yung holiday at saka ko tutulungan ang mga tao.’ Hindi ganu’n ang thinking niya kasi ‘yung needs ng mga tao urgent, kaagad ngayon! And siya rin, I’m sure gustung-gusto rin niyang nandito on New Year’s Eve,” paliwanag pa nito.

Matapos ang Media Noche, nag-video call na lang muna ang mag-asawa.

“Kami ngayon ay LDR, long distance relationship,” saad ni Mariel.

“Hindi pa nakakauwi may next schedule naman, Palawan naman daw, sabi ko itutuloy-tuloy ko na ang pagiging single mom ko!” dagdag pa nito.

Pagbibiro naman ni Robin: “Mukha namang happy ka na single mom ka eh.”

Sagot naman ni Mariel: “Happy daw ako as single mom, ayan oh, ubos na nga ‘yung bote oh,” sabay pakita nito sa bote ng wine.

Ngunit kinabukasan, umuwi rin si Robin para ipagdiwang ang New Year kasama ang pamilya.

(Sherrylou Nemis)

The post Wala si Robin? Mariel naglaklak, tinuloy pagiging single mom first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wala-si-robin-mariel-naglaklak-tinuloy-pagiging-single-mom/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=wala-si-robin-mariel-naglaklak-tinuloy-pagiging-single-mom)