Kasama sa cast ang beteranang aktres na si Maricel Soriano sa isang US film na pagbibidahan ng Filipino-American actress na sina Rain Valdez at Rachel Leyco.

Gagampanan ni Maricel si Thelma, ang ina nina Rowena (Rain) at Rochelle (Rachel) sa pelikulang pinamagatan na “Re-Live: A Tale of an American Island Cheerleader.”

Dahil sa galing sa pag-arte, kinikilala ng mga collaborator si Maricel bilang isang “legendary actress” sa Pilipinas.

“Now more than ever, this empowers us to further highlight our communities at a time when visibility must be taken to new heights to fight against the rise of anti-trans and anti-Asian violence,” pahayag ng collaborator ng pelikula.

Samantala, ayon sa ulat, magsisimula ang shooting ng “Re-Live” sa bansang Guam at Hawaii sa darating na Nobyembre. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Walang kupas! Maricel bibida sa US film first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-kupas-maricel-bibida-sa-us-film/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=walang-kupas-maricel-bibida-sa-us-film)