Nanggagalaiti ngayon ang mga fan nila Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Barbie Imperial kay Xian Gaza.

Bumira na naman kasi ng tsismis si Xian tungkol naman sa relasyon ng sikat na loveteam na KathNiel.

Ito ay matapos na makita sa isang larawan na kasama ng nanay ni Daniel si Barbie Imperial.

Sa Facebook post ng social media influencer, naka-tag ang dalawang aktres, at tila ba inaasar pa ang mga ito.

“Barbie Imperial neseye ne eng lehet Kathryn Bernardo,” saad ni Xian sa kaniyang post.

Sinundan niya pa ito ng pagpost ng larawan ni Barbie habang nasa likod ni Karla Estrada.

“Si Barbie ba yung nasa likod ng mom ni DJ?” dagdag pa nito.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=884332285587248&id=100020314545262

Sinagot pa niya ang isang comment na kinukumpirma kung break na ba ang KathNiel.

“Mare titiisin muna naming walang biogesic… kahit eto na lang. So chrue bang break na talga sila? Charizz hahahahaha,” comment ng netizen.

Sagot naman ni Xian: “Si DJ at Kath? No comment.”

Dahil dito naglabas ng saloobin ang mga fan ng tatlong involve na artista sa Twitter.

Ito ang ilan sa kanilang reaksyon:

“Xian Gaza ! You cannot break something that is sure and secure. Kathniel’s overflowing affection for each other is so healthy and strong that no amount of lies and gossip can ruin their relationship,” Tweet ng isa.

https://t.co/Fdn3pfKaHc

“Walang magawa s buhay yang baliw na yan,” ani naman ng isa pa.

“Xian Gaza needs to leave Barbie Imperial alone AND STOP BEING BITTER. hes literally HARASSING the woman online and some of you shamelessly find it funny,” pahayag naman ng isa.

(Sherrylou Nemis)

The post ‘Walang magawa sa buhay!’ Xian Gaza ginalit mga fan KathNiel, Barbie first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-magawa-sa-buhay-xian-gaza-ginalit-mga-fan-kathniel-barbie/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=walang-magawa-sa-buhay-xian-gaza-ginalit-mga-fan-kathniel-barbie)