Ginunita ni Iya Villania ang ika-walong taong anibersaryo ng kanilang kasal ni Drew Arellano ngayong Lunes sa pamamagitan ng pag-alala sa araw na nag-propose sa kanya ang asawa.

Pinost ni Iya ang ilang kaganapan sa naging proposal sa kanya ni Drew sa Instagram.

“Took awhile for it to sink in when you finally proposed (even if I was waiting in anticipation during the trip! But I think now, with 3 kids in and another on the way, it couldn’t be more real. What a life I have with you, love,” saad ni Iya sa kanyang caption.

“18yrs together, 8yrs married and still forever to go… Love you beb, happy anniversary,” dagdag pa ng TV host.

Kwento pa ni Iya, noong mga panahon na nag-propose si Drew ay panay na rin ang tanong niya kung kailan ito magpo-propose.

Bukod pa rito, hindi rin nakapag-propose si Drew sa kanyang ideal spot dahil ayaw doon ni Iya.

Matapos ikasal noong 2014, tatlo na ang supling nina Iya at Drew at ngayo’y nagdadalang-tao muli si Iya.

Napuno naman ang post ni Iya ng mga pagbati mula sa mga netizen. (MJD)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post ‘What a life I have with you’: Iya sinariwa pag-propose ni Drew first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/what-a-life-i-have-with-you-iya-sinariwa-pag-propose-ni-drew/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=what-a-life-i-have-with-you-iya-sinariwa-pag-propose-ni-drew)