Namatay ang isang 11-buwan na sanggol at 57-anyos na lalaki matapos tamaan ng matinding diarrhea dulot ng outbreak sa Davao Oriental.

Ayon sa awtoridad, umabot na sa 408 na residente ng anim na barangay sa Caraga ang epektado rin ng diarrhea outbreak.

Dahil dito, nagpatayo na ng maliit na pagamutan ang local government unit ng lalawigan para matutukan ang mga pasyente sa kanilang kalagayan.

Samantala, sinabi ni Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang, mayroon ng gamot na ipinadala sa lugar upang malinis nito ang kanilang maiinom na tubig.

“No need magkaroon ng rasyon ng tubig dahil tine-treat na natin ‘yung mga tubig na iniinom nila,” ani Dayanghirang.

The post 2 nasawi dulot ng diarrhea outbreak sa Davao Oriental first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-nasawi-dulot-ng-diarrhea-outbreak-sa-davao-oriental/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-nasawi-dulot-ng-diarrhea-outbreak-sa-davao-oriental)