Kalaboso ang pito katao matapos mahulihan ng halos P6 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Parañaque City noong Lunes.

Batay sa ulat ng Southern Police District (SPD) nitong Martes, kinilala ang mga suspek bilang sina Bablyn Cabueñas, 35; Edwin John Gonzales, 39; Ebrahim Karim, 29; Ronnie Bayao, 35; Omera Guimad, 30; Amira Carel, 21; at Datu Rajabuyan, 19.

Naganap umano ang buy-bust sa Barangay San Antonio sa naturang lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang 882 gramo ng shabu na tinatayang may halaga na ₱5,997,600.

Nakuha din ang isang timbangan, mga drug paraphernalia at ang buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MJD)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

The post 7 katao tiklo sa P6M shabu first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/7-katao-tiklo-sa-p6m-shabu/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=7-katao-tiklo-sa-p6m-shabu)