Nagbitiw bilang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Benhur Abalos ngayong Lunes para maging campaign manager ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“I would like to announce that I am resigning as MMDA chairman,” pahayag ni Abalos ngayong Lunes.

Aniya, ipinasa na niya ang kanyang resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong 2016 kung saan tumakbong bise presidente si Marcos ay si Abalos na rin ang kanyang campaign manager.

Ang pagsapi ni Abalos sa team ni Marcos ay naganap isang araw bago ang paglarga ng campaign period ng mga tumatakbo sa national position, na magsisimula na sa Martes, Pebrero 8.

The post Abalos nilisan MMDA, sumapi sa team ni Marcos Jr. first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/abalos-nilisan-mmda-sumapi-sa-team-ni-marcos-jr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=abalos-nilisan-mmda-sumapi-sa-team-ni-marcos-jr)