Malapit nang magsimulang muli ang 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup elimination round kaya sinusulit ni Barangay Ginebra San Miguel star Japeth Paul Aguilar ang oras kasama ang misis.

Ibinida ng esposa niyang si Cassy ang pagiging maalagain ng 35-taong-gulang at may taas na 6-9 na center-forward ng Gin Kings sa social media Miyerkoles.

Sa larawan na ibinahagi niya sa Instagram, makikitang pinagkasya ni Aguilar ang sarili sa isang sofa para lang bantayan at samahan ang buntis na esmi.

Hinirit din niyang mapapaaga ang kanyang panganganak.

“Baby boy coming a little earlier than expected. My husband struggling to fit on the Lazyboy, wearing pink scrubs. He could’ve stayed in the suite but I was scared of multo so he stayed the night with me in the high risk unit,” litanya ni Cassy.

Oktubre 2021 nang ibahagi ng mag-asawa ang pagkakaroon ng pangay. Dalawang taon na rin silang kasal.

The post Aguilar maalaga sa buntis na misis first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aguilar-maalaga-sa-buntis-na-misis/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=aguilar-maalaga-sa-buntis-na-misis)