Naudlot si Jack Danielle Animam sa pagdribol sa Serbia dahil injuries, pero pokus pa rin ang cage stalwart sa pangarap na makapaglaro sa Women’s National Basketball Association sa Unite States.

‘Di natapos ng 23 taong-gulang, 6-5 ang taas at tubong Bulacan, ang kontrata sa Radnicki Kragujevac sa 16th First Women’s Basketball League of Serbia 2021-22 sanhi ng ACL at MCL injuries.

Ayon kay East West Private CEO Patty Scott, ahensya ng former NU Lady Bulldog Queen, kahit injured ang basketbolista’y nakakatanggap pa rin ito ng alok na maglaro sa ilang mga bansa.

“After the injury, the offers still came in,” litanya ni Scott Biyernes sa ‘Play It Right TV. “The teams know, they realized that where she’s at, where she’s going to be. But most importantly, they saw her performance, and they know she’ll be even stronger when she comes back.”

Ilan aniya sa mga nagkakainteres kay Animam bilang Pinay import ang Italy, Spain, Germany, at Australia at EuroLeague.

“Obviously, she’s still focused on the WNBA, so it’ll be interesting,” sey ng opisyal “We’ll have to take one day at a time to determine what we do with the draft here this year, and what the teams want to do.”

Nag- average si Animam ng 17.5 points, 12.4 rebounds, 2.5 assists, at 1.5 steals per game sa Serbian league.

Patuloy na siya sa kanyang pagrerekober mula sa mga tinamong pilay.

The post Animam pangarap pa rin ang WNBA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/animam-pangarap-pa-rin-ang-wnba/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=animam-pangarap-pa-rin-ang-wnba)