Ilang buwan matapos maoperahan sa kaniyang left knee injury, nanatiling aktibo pa rin sa social media si veteran internationalist women’s basketball player Jack Danielle Animam.

Kahit nasa recovery stage pa ang 23-anyos, may taas na 6-5 na dalagang tubong Bulacan, hindi naging hadlang iyon para sa kanyang mapasayaw.

Ibinida ng 2019 PH Southeast Asian Games double gold winner ang video sa kaniyang social media kung saan makikitang umiindak siya pa nakasaklay.

“Tiktok pa, nakasaklay na nga’t lahat,” ani Animam.

Bago pa man maoperahan, libangan na talaga ni Jack ang socmed app.

Naglarong Pinay import ang baskebolista bago napilayan sa Taiwan at Serbia. (Sarah Jireh Asido)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

The post Animan nagtiktok kahit nakasaklay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/animan-nagtiktok-kahit-nakasaklay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=animan-nagtiktok-kahit-nakasaklay)