Inurong ang pagsisimula ng bakunahan kontra COVID-19 para sa edad 5 hanggang 11 sa Pebrero 7.

Ito ay matapos na ma-delay ang paghahatid sa 780,000 Pfizer vaccine na gagamitin sa pagbabakuna.

Ayon sa Department of Health at National Task Force against COVID-19, darating sa bansa ang nasabing bakuna ngayong Biyernes, Pebrero 4 ng gabi.

Sinabi ng DOH at NTF na mahalagang maturukan kontra Coronavirus ang kabataan upang pati sila ay makaiwas sa pagkakasakit.

Samantala, gaganapin ang bakunahan sa Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Manila Zoo, SM North EDSA Skydome, at FilOil Gym.

(Sherrylou Nemis)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Bakunahan para sa 5-11 inurong sa Pebrero 7 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakunahan-para-sa-5-11-inurong-sa-pebrero-7/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bakunahan-para-sa-5-11-inurong-sa-pebrero-7)