Magbabalik bilang head coach ng Gilas Pilipinas para sa mga susunod na torneo si TNT Tropang Giga coach Chot Reyes matapos lisanin ni Tab Baldwin ang pambansang koponan.
Ayon sa statement na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), nagdesisyon si Baldwin na piliin ang kanyang trabaho bilang coach ng Ateneo Blue Eagles.
Ito ay dahil sabay ang paghahanda ng Gilas sa preparasyon ng Blue Eagles sa paparating na UAAP season.
Samantala, napagdesisyonan na si Reyes ang ipalit dahil sa karanasan nito bilang Gilas coach.
“Chot is the sensible choice to take over Gilas coaching because he is very familiar with the program. He also has solid experience in international competition and FIBA games,” pahayag ni SBP Chairman Emeritus Manny Pangilinan.
Matatandaang si Reyes ang coach ng Gilas noong 2013 FIBA Asia Championships na ginanap sa Pilipinas kung saan pumangalawa ang Gilas at nakapasok sa 2014 World Cup sa Spain.
Naalis naman siya sa pagiging Gilas coach sa gitna ng FIBA World Cup qualifiers kung saan nauwi sa suntukan ang laro ng pambansang koponan kontra powerhouse Australia.
The post Baldwin pokus sa Ateneo; Chot Reyes balik bilang Gilas coach first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/baldwin-pokus-sa-ateneo-chot-reyes-balik-bilang-gilas-coach/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=baldwin-pokus-sa-ateneo-chot-reyes-balik-bilang-gilas-coach)
0 Mga Komento