Ang bansang Denmark ang kauna-unahang bansa sa European Union na nagpaalam sa pagpapatupad ng mga COVID restriction, kabilang ang pagsusuot ng face mask.

Ayon sa ulat ng CNN, bukod sa pagsusuot ng face mask ay tinanggal na rin sa naturang bansa ang paggamit ng app na ‘COVID pass’ kapag papasok ng mga bar, kainan at iba pang indoor venue.

“No one can know what will happen next December. But we promised the citizens of Denmark that we will only have restrictions if they are truly necessary and we’ll lift them as soon as we can,” pahayag ng Health Minister ng Denmark na si Magnus Heunicke. “That’s what’s happening right now.”

Napagdesisyunan ng Denmark na alisin ang mga restriction kahit pa marami pa rin ang nagkakasakit ng COVID sa naturang bansa.

Depensa naman ni Heunick, kahit marami pa rin ang may COVID sa kanila, paunti nang paunti naman ang bilang ng mga naoospital.

Nasa 81% na umano ng mga tao sa Denmark ang bakunado na kontra sa virus.

The post Balik normal! Denmark nag-babu sa face mask first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/balik-normal-denmark-nag-babu-sa-face-mask/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=balik-normal-denmark-nag-babu-sa-face-mask)