Sumakabilang-buhay na ang beteranang aktres na si Rustica Carpio noong Martes.

Siya ay 91-anyos.

“We wish you farewell in your journey to eternity. You’d never be forgotten. Rest in peace, Tita Rustica Carpio,” saad sa Facebook post ng kanyang pamangkin na si Nessea.

Dagdag pa ni Nessea, nakikipag-ugnayan pa siya sa nakababatang kapatid ni Carpio upang malaman ang dahilan ng pagkamatay nito.

Bukod sa pagiging aktres, isa ring manunulat, direktor, playwright, book editor at guro si Carpio.

Naging dean siya ng noo’y College of Languages and Mass Communication sa Polytechnic University of the Philippines.

Nagwagi rin si Carpio ng samu’t-saring parangal sa kanyang karera bilang aktres. (MJD)

The post Batikang aktres na si Rustica Carpio pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/batikang-aktres-na-si-rustica-carpio-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=batikang-aktres-na-si-rustica-carpio-pumanaw-na)