Sugatan ang aktor na si Diether Ocampo matapos sumalpok sa isang garbage truck ang sinasakyan nitong SUV sa Makati City.

Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa kahabaan ng OsmeƱa Highway, bandang ala-1 ng madaling araw nitong Pebrero 4.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nasira ang harapang bahagi ng SUV ng aktor.

Dagdag pa riyan, sugatan at nawalan din ng malay si Ocampo kaya naman agad itong isinugod sa ospital.

Samantala, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing insidete.

The post Diether sugatan matapos sumalpok SUV sa Makati first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/diether-sugatan-matapos-sumalpok-suv-sa-makati/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=diether-sugatan-matapos-sumalpok-suv-sa-makati)