Pinalaya din agad ng National Bureau of Investigation (NBI) si Enchong Dee matapos itong magbayad ng piyansa nitong Lunes ng gabi.

Napaulat na sumuko sa NBI si Enchong Lunes ng hapon dahil sa umano’y libelous tweet nito tungkol sa enggrandeng kasal ng isang kongresista.

Naglabas ng warrant of arrest ang korte sa Davao Occidental na nag-ugat sa kasong cyberlibel ni DUMPER party-list Rep. Claudine Bautista-Lim.

Umabot sa P48,000 ang piyansa ni Enchong para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kinumpirma naman ni NBI-National Capital Region Director lawyer Emeterio Dongallo sa website na Politiko na nagtungo sa kanilang tanggapan si Dee kasama ang abogado at staff nito.

“He posted bail and was released late evening after he was processed and his bail has been approved,’’ lahad ni Dongallo.

Matatandaan na ang kaso lang laban kay Enchong ang lumusot sa korte, habang ang sinampang reklamo laban kina Agot Isidro, Pokwang, Ogie Diaz, Deedee Marie Holliday, Kristina Mae Misajon, ay na-dismiss.

The post Enchong Dee nagbayad ng piyansa, pinalabas ng NBI first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/enchong-dee-nagbayad-ng-piyansa-pinalabas-ng-nbi/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=enchong-dee-nagbayad-ng-piyansa-pinalabas-ng-nbi)