Sinong mag-aakalang ang isang uri ng harutan na ginagawa ng mga bata ay magiging professional sport?

Kamakailan lang, inorganisa ng Pillow Fight Championship (PFC) ang kauna-unahang pay-per-view event ng pillow fighting – o hampasan ng unan.

Sa isang pillow fight, may tatlong round na may tig-dalawang minuto. Ang ring ay katulad lang din ng sa boksing at sa mixed martial arts.

Ayon sa website ng PFC, naisip nila ang pillow fight bilang professional sport dahil nais nila ng matinding kompetisyon nang walang nasasaktan at pwedeng panoorin ng mga bata.

At sa una nilang pay-per-view event kamakailan, mga MMA fighter talaga ang sumali. Ang mga nagkampeon sa men’s at women’s division ay nagwagi ng title belt at $5,000.

Umaasa naman ang PFC na lalago ang pillow fight bilang professional sport.

The post Hindi na pambata! Hampasan ng unan, professional sport na sa US first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hindi-na-pambata-hampasan-ng-unan-professional-sport-na-sa-us2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hindi-na-pambata-hampasan-ng-unan-professional-sport-na-sa-us2)