Hindi pinatuloy ang ilang kukuha ng bar exam sa Cebu matapos magpositibo ng mga ito sa COVID-19.

Ayon kay deputy chief implementor ng Cebu City Emergency Operations Center aya Konsehal Joel Garganera, ang mga nakitang positibo nitong Miyerkoles ay isinailalim sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test para sa kumpirmasyon.

Nauna nang inatasan ng Korte Suprema ang mga kukuha ng bar exam na magpakita ng negatibong antigen o resulta ng pagsusuri sa RT-PCR.

Samantala, tumanggi naman si Garganera na sabihin kung ilan ang nagpositibo dahil aiya ang mataas na hukuman lamang ang maaaring magbunyag ng impormasyon.

The post Ilang kukuha ng bar exam nagpositibo sa Covid first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-kukuha-ng-bar-exam-nagpositibo-sa-covid1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-kukuha-ng-bar-exam-nagpositibo-sa-covid1)