Bumaba sa 197.06 meters above sea level (masl) ang lebel ng tubig sa Angat dam nitong Miyerkoles, na malayo pa sa normal na lebel na 212 masl, ayon sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.
Kaya naman, napwersa ang National Irrigation Administration (NIA) na bawasan ang ibinibigay na tubig ng dam sa mga bukirin ng Bulacan at Pampanga.
Ito ay dahil ang Angat dam din ang nagsusuplay sa 98% ng tubig sa Metro Manila.
Ayon kay Francis Clara ng Water Control Coordination Unit ng NIA, 20 cubic meters per second (cms) na lang ang pinakawalang tubig mula sa Angat para sa mga bukid sa Bulacan at Pampanga. Ang normal na ibinibigay sa mga naturang bukirin ay 40 cms.
Bukod pa rito, maaari pang bumaba ang binibigay na tubig ng dam sa mga bukirin sa 15 cms pagdating ng Marso at 5 cms sa Abril, dahil na rin sa pagpasok ng summer.
Bumaba umano ang lebel ng tubig sa Angat dam bunsod ng kakulangan sa pag-ulan.
The post Irigasyon titipirin! Tubig sa Angat dam tuloy sa pagbaba first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/irigasyon-titipirin-tubig-sa-angat-dam-tuloy-sa-pagbaba/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=irigasyon-titipirin-tubig-sa-angat-dam-tuloy-sa-pagbaba)
0 Mga Komento