Unang makakalaban ni Ange Kouame at ng Gilas Pilipinas sa unang window ng 2023 Fiba World Cup Asian Qualifiers ang South Korea sa darating na Pebrero 24 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Sunod sa Nationals ang India sa Peb. 25, New Zealand sa Peb. 27, at Koreans uli sa Peb. 28.
Nakatakdang tapusin ng Pinoy quintet ang asignatura sa mga rematch sa Indians sa Hunyo 30 at sa Kiwis sa July 2 sa ihahayag pang lugar ng International basketball Federation.
Patuloy na ang preparasyon ng team ni national coach Vincent ‘Chot’ Reyes sa Mt. Malarayat Golf and Country Club sa Lipa, Batangas kasama ang ilang players ng TNT na magiging reinforcement .
Ipinahayag ni Reyes na nakatakdang pumarito si Dwight Ramos ng Toyama Grouses mula sa Japan B.League Biyernes upang muling tulungan ang kampanya ng bansa sa nalalapit na torneo.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kouame-gilas-unang-makakatapat-ang-korea/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kouame-gilas-unang-makakatapat-ang-korea)
0 Mga Komento