Bibigyan ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ng isang maasahan at mapagkakatiwalaang pamahalaan ang bawat mamamayan ng bansa.
Ito ang kaniyang naging pahayag sa ginanap na “Panata sa Bayan: the KBP Presidential Candidates’ Forum” nitong Biyernes.
Aniya, kung maihahalal bilang susunod na pangulo ng bansa, sisiguraduhin umano niya na sa loob ng unang isang daang araw ay malilinis ng kaniyang adninistrasyon ang mga Inept, Corrupt, at mga hindi disiplinadong opisyal at empleyado ng gobyerno.
Bukod pa riyan, sisigurduhin din umano ni Lacson na magkakaroon ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa gaya ng pandemya, kahirapan, kawalan ng trabaho, napakalaking utang, gutom, at hamon sa edukasyon.
“Our arsenal is a science-based, data-driven, and future-proof platform that can withstand the test of time. My mission is clear, ayusin ang gobyerno upang maging maayos ang buhay ng bawat Pilipino,” pahayag nito.
Dagdag pa ni Lacson, titiyakin umano niyang napag-aralan at makatotohanan ang kaniyang mga plano para sa bansa.
“Sa ilalim ng administrasyong Lacson, walang korapsyon — malinis at tapat ang gobyerno,” saad ni Lacson.
The post Lacson panata sa bayan: Isang maasahan, mapagkakatiwalaang pamahalaan first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-panata-sa-bayan-isang-maasahan-mapagkakatiwalaang-pamahalaan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-panata-sa-bayan-isang-maasahan-mapagkakatiwalaang-pamahalaan)
0 Mga Komento