Binigyan na ng go signal ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang mga kumuha ng Bar examination na mag-jowa na.

Ito ay dahil nagtapos na ang Bar exam nitong Linggo.

“Pwede na pong mag jowa,” biro ni Leonen, na siya ring chairperson ng Bar exam.

Isa ang Bar exam sa mga pinaka-pinaghahandaang licensure examination, kung saan marami ang nasasakripisyo sa buhay ng examinee, kasama na ang buhay pag-ibig.

Bukod dito, binati rin ni Leonen ang lahat ng kumuha ng Bar exam.

“Congratulations to all those who finished the Bar Examinations,” saad niya sa isang Twitter post.

The post Leonen sa mga nag-Bar exam: Pwede na pong mag jowa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/leonen-sa-mga-nag-bar-exam-pwede-na-pong-mag-jowa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=leonen-sa-mga-nag-bar-exam-pwede-na-pong-mag-jowa)