Inilunsad ang “Rehistro mo, sagot ko tungo sa pag-asenso” program na nag-aalok ng libreng birth certificate registration ng mga bata sa Malabon.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod, ang programa ay inilunsad alinsunod sa pagdiriwang ng 32nd Civil Registry Month.

Kailangan lang ipakita ng mga magulang ang “Certificate of No Record” ng kanilang anak mula sa Philippine Statistics Agency (PSA).

Dapat din silang magdala ng dalawang dokumento na nagpapakita ng buong pangalan ng bata at ng mga magulang, pati na rin ang petsa at lugar ng kapanganakan ng bata.

(Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

The post Libreng pagpaparehistro ng birth certificate inilunsad sa Malabon City first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/libreng-pagpaparehistro-ng-birth-certificate-inilunsad-sa-malabon-city/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=libreng-pagpaparehistro-ng-birth-certificate-inilunsad-sa-malabon-city)