Itinanggi ng Department of Education (DepEd) nitong Martes na sila ang mag-akda ng isang module na may aktibidad na “interview a person who experienced the Spanish era.”

Matatandaang nag-viral ang module dahil imposible nga namang may makausap pang tao na nakaranas ng panahon ng mga kastila sa Pilipinas, na nagtapos noon pang 1898.

Ngunit ayon sa ahensya, hindi sa kanila galing ang naturang module.

“Kasalukuyan na itong iniimbestigahan ng ahensiya at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga kaugnay na opisina upang matukoy ang pinagmulan ng naturang module,” pahayag ng DepEd.

“Muli naming pinaaalalahanan ang publiko na maging mapanuri sa fake news at iba pang mga ‘di tiyak na impormasyong kumakalat online,” dagdag pa ng ahensya.

Gayundin, nanawagan ang DepEd na makipag-ugnayan sa kanila sakaling may mapansing mali sa mga learning module, na siyang ginagamit ng mga mag-aaral sa flexible learning ngayong pandemya.

The post Module na imposible masagot tanong sinuka ng DepEd first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/module-na-imposible-masagot-tanong-sinuka-ng-deped/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=module-na-imposible-masagot-tanong-sinuka-ng-deped)