Muntik nang mawala ang account ng komedyante na si Eugene Domingo matapos nitong mabiktima sa isang scam sa social media.

Ayon kay Uge, may nagpadala ng mensahe sa kaniyang Instagram account tungkol sa ‘copyright infringement’ violation na isa palang scam.

Sa nasabing modus, magpapanggap na Instagram Help Center ang mga scammer at magpapadala ng phishing link para makuha ang personal na detalye ng biktima.

Kabilang sa mga impormasyong kukuhanin ay ang birthday at password ng biktima.

Nakasulat din sa modus na kapag hindi ito nasagutan ay tuluyang mawawala ang kanilang account.

“I almost lost my IG account. Ang aga-aga nagpabudol ako dito. Mag-ingat sa ‘copyright infringement’ issue na hihingi ng fill out form link at code sa DM. # budolisreal #ingat #sobrangingat,” caption ni Uge sa Instagram.

Isa naman sa mga tumulong sa komedyante ay ang kaniyang kaibigan na komedyante rin na si Pokwang.

Ani Uge, dapat ay ugaling magpalit ng password sa mga social media account para maiwasan ang ganitong klase ng scam lalo pa’t naglipana ito sa panahon ngayon.

“It is truly helpful to have other ways to authenticate and to CHANGE PW (password) more often! I guess in all accounts & do not trust easily kahit mukhang official or real. You have ways to prove. Budols play with your ‘vulnerable’ side. Or ‘yung sa’n ka mahina or tanga. There,” dagdag pa nito.

The post Muntik mawala account! Eugene nabiktima ng online scam first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/muntik-mawala-account-eugene-nabiktima-ng-online-scam/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=muntik-mawala-account-eugene-nabiktima-ng-online-scam)