Mas tumapang at handa na umanong harapin ni Nadine Lustre ang laban sa kaniyang mental health.

Ayon sa aktres, mahaba pa ang kaniyang tatahakin para tuluyang maging maayos ang kaniyang mental state.

Pero aniya, alam na alam na umano niya ang kaniyang dapat gawin sa tuwing aatakihin siya ng anxiety at depresyon.

“I still have a long way to go for sure… it’s easier for me to understand things. But at the end of the day, I am still human. At the moment, when I get overwhelmed with just everything that’s going in my life, I still have those days. When I feel like I’m not 100%, it’s normal,” pahayag ng aktres sa Mega magazine.

“I kind of already know how to catch myself when it comes… when I start getting those thoughts, I already know how to catch myself. Before I’m always just panicking, I’m like, ‘oh no, oh sh*t, I can feel it, it’s coming, it’s coming.’ Then I start getting my anxiety and panic attacks. But now, before it even happens, I’m able to catch it,” dagdag pa nito.

Saad pa niya, hindi na siya masyadong nag-aalala dahil alam umano niya may solusyon ang kaniyang problema at matatapos din ito.

“Now every time I go through sh*t, I know I’m going to be okay but I know I have to go through it. There’s a solution for this. I already know, not naman control, but to navigate through these things and how to handle myself. I used to be a worry wart. Worrying about anything that I could think of. I had to go through so much to learn how to calm my mind and accept that I can’t control everything. It was tough and it was a lot of work,” ani Nadine.

Sa ngayon, masaya na raw ang aktres dahil kaya na niyang harapin na walang takot ang kaniyang buhay.

The post Nadine sa kaniyang anxiety, depresyon: Kaya nang harapin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nadine-sa-kaniyang-anxiety-depresyon-kaya-nang-harapin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nadine-sa-kaniyang-anxiety-depresyon-kaya-nang-harapin)