Inanunsyo ni Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc na puwedeng bilhin ang isang isla sa kanilang probinsya.

Wika ni Manotoc, ang Badoc island ay maaaring ipagbili sa isang resort developer.

“We’d really like to sell it to a luxury resort developer, someone who will really build something responsibly and something medyo high-end,” wika ni Manotoc.

Ang naturang isla ay isang kilometro lang ang layo sa bayan ng Badoc.

Lahad ng gobernador, ang pag-develop sa Badoc island para maging luxury resort ay ang pag-asa para bumangon ang turismo sa Ilocos Norte.

Nagsagawa na rin ng ilang hakbang ang pamahalaan ng Ilocos Norte para maengganyo ang mga turista na pumunta sa kanila, tulad ng paglibre sa antigen test.

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Pang-ahon sa turismo: Isla sa Ilocos Norte binebenta first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pang-ahon-sa-turismo-isla-sa-ilocos-norte-binebenta-3/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pang-ahon-sa-turismo-isla-sa-ilocos-norte-binebenta-3)