Viral ngayon sa social media ang isang lalaki sa Thailand dahil sa pagkakahawig umano nito sa Hollywood actor na si Vin Diesel.

Ayon sa ulat, noong 2019 pa unang nagpost ang lalaki sa Facebook ng isang larawan kung saan pati porma ni Diesel sa pelikulang Fast in the Furious ay ginaya pa niya.


Habang sinusulat ang istoryang ito ay na-share na ang larawan ng mahigit 77,000 beses sa Facebook.

Nang suriin pa umano ang account ng lalaki ay makikita na ilang beses na siyang nagpalit ng profile picture kung saan ginaya niya ang mga pormahan ni Diesel sa mga pelikula nito.

Bagamat nag-viral sa ibang bansa ang lalaki dahil sa pagkakahawig kay Diesel, sa Pilipinas naman, natuwa ang mga netizen dahil hawig din umano nito si Wally Bayola.

Nagkalat na ang sa iba’t-ibang Facebook page ang larawan ng lalaki kung saan may mga caption gaya ng “Vin Diesel o Wally Bayola?” at ‘Wally Diesel.’ (MJD)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

The post Parang Wally Bayola? Netizens aliw sa kamukha ni Vin Diesel first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/parang-wally-bayola-netizens-aliw-sa-kamukha-ni-vin-diesel/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=parang-wally-bayola-netizens-aliw-sa-kamukha-ni-vin-diesel)