Iniulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na isang paring Pinoy mula sa Archdiocese of Manila ang inatasan ng Santo Papa para maging kinatawan niya sa bansang Rwanda.

Ayon sa CBCP, ang pari na ipapadala sa Rwanda ay si Monsignor Arnaldo Catalan, 55-anyos.

Sa huling 20 taon ay nagtrabaho si Catalan sa Diplomatic Service of the Holy See at mula 2019 ay naglilingkod ito bilang Charge d’affaires sa Apostolic Nunciature sa China.

Ikinatuwa naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagtatalaga ni Pope Francis kay Catalan.

Ani Advincula, ang pagkakatalaga kay Catalan ng Santo Papa ay “gift and honor and considers the appointment of Archbishop-elect Catalan as historic being the first priest of the Archdiocese of Manila to become a Nuncio.”

The post Paring Pinoy ipinadala ni Pope Francis sa Rwanda first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paring-pinoy-ipinadala-ni-pope-francis-sa-rwanda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paring-pinoy-ipinadala-ni-pope-francis-sa-rwanda)