Los Angeles – Nakabilang na sa listahan ng mga fugitive ng Federal Bureau of Investigation ang Kingdom of Jesus Christ Founder na si Pastor Apollo Quiboloy.

Inilathalata na sa website FBI sa buong mundo ang wanted poster ni Pastor Carreon Quiboloy kasama ang dalawang opisyal nito na sina Helen Panilag at Teresita Tolibas Dandan na pawang mga administrator ng KOJC.

Sina Quiboloy et.al ay nahaharap sa kasong sex trafficking by force, sex trafficking of children, visa fraud and coercion, conspiracy at bulk cash smuggling.

Noong November 10 ay inilabas ng United State District Court for Central District of California sa Santa Ana ang warrant of arrest laban Kina Quiboloy na pinaniniwalaang nagtatago sa Davao.

The post Pastor Quiboloy, 2 pang opisyal ng KOJC wanted sa FBI first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pastor-quiboloy-2-pang-opisyal-ng-kojc-wanted-sa-fbi/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pastor-quiboloy-2-pang-opisyal-ng-kojc-wanted-sa-fbi)