Pinayuhan ni Xian Gaza si Kim Atienza kung paano magbabahagi ng Gospel lalo na sa mga taong kabilang sa ‘generation Z.’

Sa kanyang Facebook post, minention pa talaga ni Xian si Kuya Kim para pakitaan nito ng Biblical ‘trivia.’

Sa naturang trivia, sinabi ni Xian na ang pinakaunang Starbucks ay itinayo noong 324BC. Sa Starbucks umano na ito nagpunta ang tatlong hari matapos puntahan si Hesus sa Jerusalem.

Nagbanggit pa ng Bible verse si Xian bilang patunay sa kanyang sinasabi.

“And going into the house, they saw the child with Mary his mother, and they fell down and worshiped him. Then, opening their treasures, they offered him gifts, gold and frankincense and myrrh. And being warned in a dream not to return to Herod, they departed to their own country and went to Starbucks,” pahayag ni Xian na ayon sa kanya ay nakasaad sa Mateo 2:11-12.

Ngunit inedit lang ni Xian ang huling parte dahil sa totoong Bibliya ay wala namang binanggit na Starbucks.

Ayon sa social media influencer, inedit niya ang verse dahil ito ang mas ‘in’ na paraan para ibahagi ang Gospel sa mas batang henerasyon.

“Kuya Kim Atienza sa panahon po natin ngayon, hindi na uubra yung mga traditional way to preach the Gospel. Lalong-lalo na po sa mga generation Z. Sa ganitong paraan eh macu-curious sila tapos ise-search po nila ngayon sa Google,” ani Xian sa comment section.

Masaya naman si Kuya Kim sa ginawa ni Xian.

“So happy you are opening your Bible Xian. Keep it up,” aniya.

The post ‘Pastor Xian’? Kuya Kim hanga sa Bible ‘trivia’ ng pambansang Marites first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pastor-xian-kuya-kim-hanga-sa-bible-trivia-ng-pambansang-marites/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pastor-xian-kuya-kim-hanga-sa-bible-trivia-ng-pambansang-marites)