Dumating na ang unang batch ng Pfizer-BioNTech coronavirus vaccine doses para sa mga batang may edad na lima hanggang 11 matapos itong ma-delay ng isang araw.
Inihatid ang 780,000 doses ng nasabing bakuna sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Air Hong Kong flight LD456 nitong Biyernes bandang alas-9:30 ng gabi.
Ayon kay US Embassy chargé d’affaires Heather Variava, makakatulong ang mga bakunang ito para makabalik na sa face-to-face class ang mga bata at makalabas na ng kanilang tahanan.
“This will make such a difference in the lives of all families in the Philippines. It will allow children to eventually get back to face-to-face learning, allow them to play with their friends and do important socializing,” ani Variava.
Samantala, ipinahayag ni vaccine czar Carlito Galvez na matutuloy na ang pagbabakuna sa mga lima hanggang 11 sa darating na Lunes.
Dagdag pa ni Galvez, makakasiguro ang mga magulang na ligtas ang mga bakuna para sa kanilang mga anak.
“Masaya kaming binabalita na matutuloy na po ang ating rollout ng pagbabakuna para sa edad lima hanggang 11 sa Lunes. Gusto ko pong siguraduhin na ating mga magulang na ang bakuna pong ito ay ligtas at masusing pinag-aralan ng mga pinakamahusay na siyentipiko sa buong mundo,” saad nito.
The post Pfizer bakuna para sa edad 5-11 dumating na sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pfizer-bakuna-para-sa-edad-5-11-dumating-na-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pfizer-bakuna-para-sa-edad-5-11-dumating-na-sa-pinas)
0 Mga Komento