Inilagay na ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) si Apollo Quiboloy, pinuno ng Kingdom of Jesus Christ church, dalawang iba pang may kinalaman sa kaso ng pastor sa most wanted list nito.
“Apollo Carreon Quiboloy, the founder of a Philippines-based church, is wanted for his alleged participation in a labor trafficking scheme that brought church members to the United States, via fraudulently obtained visas, and forced the members to solicit donations for a bogus charity, donations that actually were used to finance church operations and the lavish lifestyles of its leaders. Furthermore, it is alleged that females were recruited to work as personal assistants, or ‘pastorals,’ for Quiboloy and that victims prepared his meals, cleaned his residences, gave him massages and were required to have sex with Quiboloy in what the pastorals called ‘night duty’,” pahayag ng FBI.
Kasama rin sa listahan ng mga kasong may konektado kay Quiboloy sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag.
Ayon sa FBI, si Dandan ang diumano’y “international administrator” na isa sa mga nangungunang tagapangasiwa ng simbahan ni Quiboloy at ang mga pekeng charity operations nito sa US; habang si Panilag naman umano ang tagapagkolekta ng financial data mula sa mga operasyon ng simbahan sa buong mundo.
Matatandaang, noong nakaraang taon, si Quiboloy ay kinasuhan kasama ang iba pang miyembro ng kanyang simbahan ng sex trafficking sa US. Nakasaad sa 74-page indictment na ang mga biktimang sangkot sa umano’y operasyon ng sex trafficking ni Quiboloy na 12 taong gulang pa lamang ay binantaan ng “eternal damnation” at nakaranaas ng pisikal na pang-aabuso.
Samantala, sinabi ni Dr. Marlon Rosete, presidente ng Sonshine Media Network International, broadcast entity na pag-aari ni Quiboloy, na ang legal team ng pastor ay magsasagawa ng press conference ngayong Linggo upang matugunan ang nasabing isyu.
The post Quiboloy, 2 iba pa nasa ‘most wanted list’ na ng FBI first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/quiboloy-2-iba-pa-nasa-most-wanted-list-na-ng-fbi/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=quiboloy-2-iba-pa-nasa-most-wanted-list-na-ng-fbi)
0 Mga Komento