Inihalintulad ng kontrobersyal na pastor na si Apollo Quiboloy ang kanyang sarili sa biblical character na si Joseph, matapos itong ilagay ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) sa most wanted list nito para sa sex trafficking at iba pang mga kaso.

“Tignan nyo ang dinaanan niyang tribulations. Iyan si Joseph. Ay mayroong modern Joseph ngayon,” ani Quiboloy.

Pahayag pa niya, bago umano matupad ang mga ipinangako ng Panginoon sa kaniya ay kailangan muna niyang pagdaanan ang pagsubok na kinakaharap ngayon.

“Bago matupad ang ipinangako ng ama sa akin, ang lahat ng ito ay dadaanan ng anak,” saad pa nito.

“Anong pinagdaanan ni Moses? Hinabol siya ng taga Ehipto, pati army hinabol siya. Hindi niya alam ang gagawin. Pero pag nasa kamay ng Diyos ang isang tao. Do not underestimate, because miracles and miracles will take place. Ayaw kong mangyari yan sa humahabol sa akin. Satanas, bumagsak niya. Habol kasi siya ng habol eh… Makikilala ba si PACQ (Pastor Quiboloy) kung walang tribulations?” dagdag pa nito.

Sa ngayon, naglabas na ang FBI ng advisory na nagsasabing ang pastor ay wanted dahil sa mga kaso tulad ng ‘sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud, and coercion; at bulk cash smuggling’.

The post Quiboloy tinawag sarili ‘pinakabagong Joseph’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/quiboloy-tinawag-sarili-pinakabagong-joseph/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=quiboloy-tinawag-sarili-pinakabagong-joseph)