Nadepensahan ni Rene Mark Cuarto ang kanyang IBF minimumweight title matapos daigin ang kapwa Pinoy na si Pedro Taduran sa isang madugong bakbakan nitong Linggo sa Digos City.

Pinabagsak ni Cuarto si Taduran sa ikalawa at ikalimang round ng salpukan, dahilan para umabante siya sa scorecard ng mga hurado.

Gayunman, naging madugo ang laban nang magsalpukan ang kanilang mga ulo sa ikatlong round.

Binawasan pa ng dalawang puntos si Cuarto dahil sa naturang headbutt.

Duguan ang noo ni Taduran dahil dito, at bagamat ginawa ng kanyang corner ang lahat para mahinto ang pagdurugo, masyado nang malaki ang sugat kaya’t nagdesisyon ang ringside doctor na ihinto ang laban sa ikapitong round.

Wagi si Cuarto sa mga iskor na 65-64, 66-64, at 65-65 sa scorecard ng tatlong hurado matapos ang ikapitong round.

Gumanda ang kartada ni Cuarto sa 20-2-2.

The post Rene Cuarto binugbog kapwa Pinoy, world champion pa rin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rene-cuarto-binugbog-kapwa-pinoy-world-champion-pa-rin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rene-cuarto-binugbog-kapwa-pinoy-world-champion-pa-rin)