Sumiklab ang sunog sa Russian Embassy sa Dasmariñas Village sa Makati City nitong Biyernes ng gabi.

Itinaas ang first alarm bandang alas-8:25 ng gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection-NCR.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nilagay sa second alarm ni Fire Senior Inspector Eduardo Labrador.

Tuluyan namang naapula ang sunog alas-2:10 ng madaling-araw.

Nagmula umano ang sunog sa ikalawang palapag ng embassy, hindi pa tukoy ang naging sanhi nito.

Samantala, tinatayang umabot sa P101M ang napinsala sa naturang insidente.

Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa sunog.

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

The post Russian Embassy sa Makati nagliyab first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/russian-embassy-sa-makati-nagliyab/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=russian-embassy-sa-makati-nagliyab)