Hindi pa nakakapirma ng panibagong kontrata si Gregory William ‘Greg’ Slaughter sa NorthPort makaraang mapaso ang dating kasunduan sa Batang Pier nitong Enero 31.

Bigong magkaayos para sa panibagong deal ang koponan at ang 33-anyos, may taas 7-0 na sentro sa nakalipas na ilang araw.

Kasabayan niyang napasuan ng dating contract si Robert Bolick Jr. na papuntan nang Japan B.League makaraang hindi rin magkasundo sa new pact sa nasabing Philippine Basketball Association team.

May average si Slaughter na 14.25 points, 9.25 rebounds at 1.25 blocks per game sa itutuloy sa susunod na linggong 46th PBA 20221-22 Governors’ Cup Cup elims. (Abante TONITE Sports)

The post Slaughter hindi pa pumipirma sa NorthPort first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/slaughter-hindi-pa-pumipirma-sa-northport/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=slaughter-hindi-pa-pumipirma-sa-northport)