Pinasalamatan ni Kyline Alcantara ang kaniyang co-star at ka-love team na si Mavy Legaspi sa mahabang pasensya at pag-aalaga nito sa set ng “I Left My Heart in Sorsogon.”

Ayon kay Kyline, sa pagtatapos ng nasabing palabas, mami-miss umano ng aktres ang mga bonding nila on and off cam pati na rin ang mga pagkain sa set.

“Ang mami-miss ko po talaga, bonding namin. And the food, yes, that’s expected. Pero ‘yung bonding talaga namin iba’t ibang klase po talaga. Makikita niyo po talaga on screen kung gaano kami ka-close off cam,” ani Kyline sa 24 Oras.

Ayon pa sa aktres, sobrang naging mapagpasensya at maalaga rin umano si Mavy sa kaniya.

“Siguro ‘yung nakita ko kay Mavy, ang haba ng patience niya, as in, especially to me. Kasi off and on cam, if you only knew guys. Ang haba ng patience niya sa akin and he took care of me sa lahat ng phases ko roon sa paggawa namin ng show,” pahayag pa nito.

Samantala para kay Mavy, hindi lang sa palabas ang kanilang namumuong pagmamahalan kung hindi maging sa totoong buhay.

Aniya pa, handa umano siyang pagdaanan muli ang lahat kasama si Kyline kung pagbibigyan ng pagkakataon.

“Besides the journey between Sebastian and Tiffany, there’s also a journey going on outside of the show between Kyline and I. So it was very memorable experience and very nurturing experience. I’d go back to the very first day and go through it all again, and I wouldn’t choose to do it with anyone else but Kyline,” saad ni Mavy.

The post Sobrang haba ng pasensya: Mavy grabe mag-alaga kay Kyline first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sobrang-haba-ng-pasensya-mavy-grabe-mag-alaga-kay-kyline/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sobrang-haba-ng-pasensya-mavy-grabe-mag-alaga-kay-kyline)