Nagreklamo ang isang social media influencer matapos siyang paalisin sa Vatican dahil masyado umanong sexy ang kanyang suot.

Nakasuot si Juju Vieira ng hapit na dress at high boots nang bigla siyang lapitan ng isang security habang nililibot ang Catholic city.

“A gentleman who worked there came close to me and said that the place was for prayers and that I was not dressed properly,” wika ni Vieira.

Saad naman ng influencer, napahiya umano siya sa naturang insidente dahil narinig ng ibang turista ang pagpapaalis sa kanya ng security personnel.

Sa website ng Vatican, makikita ang striktong dress code kung saan nakasulat na bawal magsuot ng mga ‘tight shirt” at skirt o dress na hindi abot sa tuhod.

“Women are not permitted to wear sleeveless tops, crop tops, or tight shirts. Shoulders should be covered, and if wearing a skirt or dress, it must cover the knees,” lahad sa website ng St. Peter’s Basilica.

Depensa naman ni Vieira, tingin niyang karespe-respeto ang kanyang suot na damit at nais lang daw niyang maging komportable sa kanyang paglilibot sa Vatican City.

The post Sobrang hapit damit! Seksing bebot pinalayas sa Vatican first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sobrang-hapit-damit-seksing-bebot-pinalayas-sa-vatican/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sobrang-hapit-damit-seksing-bebot-pinalayas-sa-vatican)