Todo suporta si Ruffa Gutierrez sa kandidatura ni Herbert ‘Bistek’ Bautista sa pagkasenador sa darating na eleksyon.

Katunayan, pinost ni Ruffa ang pokus ng magiging serbisyo ni Herbert sakaling manalo itong senador.

Ani Ruffa, ‘Internet, Livelihood, at Youth’ o ‘ILY’ ang pagtutuunan ng pansin ng dating Quezon City mayor ‘pag naging senador ito.

Matatandaang nitong Disyembre ay naging matunog ang usap-usapan tungkol sa relasyon nina Ruffa at Herbert.

Noong pasko pa nga ay kanila Ruffa nagdiwang si Bistek.

Samantala, si Herbert ay isinama sa senatorial slate ng tambalang Ping Lacson at Tito Sotto, at maging ng tandem ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Sara Duterte. (MJD)

The post Suporta para maging senador! Ruffa nag- ‘ILY’ kay Bistek first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/suporta-para-maging-senador-ruffa-nag-ily-kay-bistek/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=suporta-para-maging-senador-ruffa-nag-ily-kay-bistek)