Sumipa na sa 98 na katao ang nasawi dulot ng nagdaang bagyong ‘Paeng’, 69 naman na indibidwal ang nasaktan o nasugatan at 63 ang naiulat na nawawala.

Dagdag pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 575, 728 na pamilya umano ang naapektuhan ng bagyo.

80,000 na pamilya naman ang lumikas patungo sa evacuation centers upang maiwasan ang peligrong dala ng baha.

Samantala, 20 lugar pa rin sa Luzon ang nasa ilalim ng signal no. 1 ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Alamin ang mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 1, 20 lugar sa – Luzon nasa ilalim pa rin ng signal no. 1 (abante.com.ph)

(CS)

The post Nasawi dahil kay ‘Paeng’, pumalo na sa 98 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT