Umakyat sa 80 ang death toll dahil sa Tropical Storm Paeng.

Ayon sa situation report na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 31 pa ang nawawala hanggang kagabi, Oktubre 30.

Sa 80 iniulat na nasawi, 38 ang kumpirmado na habang ang iba ay bina-validate pa.

Karamihan ng nasawi ay iniulat sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 40, sumunod ang Western Visayas sa 18, Calabarzon sa 12, Zamboanga Peninsula (4), Soccsksargen (3), Eastern Visayas (2) at Bicol (1).

Samantala, sa BARMM din karamihan naiulat ang mga nawawala at sa Eastern Visayas. (IS)

The post Patay kay ‘Paeng’ sumampa sa 80 – NDRRMC first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT