Tinatayang 131 na residente ang inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) District Northeastern Luzon sa iba’t ibang barangay ng Tuguegarao City at Solana, Cagayan.

Ang mga residente ay na-trap sa kanilang tahanan matapos ang mabilis na pagtaas ng tubig na dulot ng bagyong ‘Paeng’.

Inihatid naman na ang mga nasagip na residente sa evacuation centers upang doon muna manuluyan hangga’t hindi pa nahupa ang mataas na tubig. (CS)

The post PCG rescuers rumesponde sa Cagayan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT